To commemorate and honor the memory of the University’s best and brightest who struggled against dictatorship and despotism, the University opens this year’s UP Day of Remembrance with the theme, “Dambana ng Paggunita at Pagtutuos sa Batas Militar ni Marcos.” #UPDayofRemembrance2019 #NeverAgain #NeverForget
Ang Lakad Gunita sa Pamantasang Hinirang (First Quarter Storm and Diliman Commune) ay isang dokumentaryo na naglalayong sariwain ang aktibismo at ang mga pangyayaring naganap sa loob ng kampus ng UP Diliman sa panahon ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos, bago ang kaniyang pagdedeklara ng Batas Militar noong 1972.
Tampok rito ang mga kwento ng mga estudyante ng UP at ang pito sa pinakamahahalagang gusali at lugar sa UP Diliman noong panahon ng diktadura. Ang mga gusaling ito ay nagsilbing saksi sa mga naganap na malawakang protesta ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng Unibersidad mula Enero hanggang Marso 1970 na mas kilala bilang First Quarter Storm o Sigwa ng Unang Kwarto at ang pagkakatatag ng Diliman Commune noong Pebrero 1971.