Ano ang Pangklimang Impormasyon at Serbisyo?
Ang Climate Information Services o CIS ay ang paggawa, pagsasalin, pagbabahagi, at ang paggamit ng mga impormasyon tungkol sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na klima.
Bakit mahalaga ang CIS sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda?
Mahalaga ang CIS para sa mga magsasaka at mangingisda dahil ito ay ginagamit nilang basehan para sa kanilang pagdedesisyon.
Halimbawa, kung matatanggap ng mga magsasaka na ngayon ay uulan, ito ay magagamit nilang pagdedesisyon kung sila ba ay mag-aapply ng fertilizer o hindi.
Ganun din naman sa mga mangingisda kung matatanggap nila ang forecast ng panahon. Ito ay makakaaring makatulong sa kanila na magdesisyon kung sila ba ay papalaot sa dagat o hindi.
Makakatulong ba ang CIS sa hamong dala ng El Niño at La Niña?
Napakahalaga ng CIS para mas maging resilient ang sektor ng agrikultura at pangingisda dahil mas naiintindihan ng mga magsasaka at mangingisda kung ano yung nangyayari sa kanilang kapaligiran at mapagkahanadaan nila kung anuman ang pwedeng mangyari sa hinaharap.
So halimbawa, meron tayo mga seasonal forecast ng El Niño o La Niña, pwedeng magdesisyon ang magsasaka kung anong tamang pananim ang dapat niyang itanim sa kanyang sakahan.
Ganun din sa mga mangingisda. Halimbawa, yung mga merong fishponds or yung mga pumapalaot, makakatulong ito na magbigay sa kanila ng tamang decision kung anong mga aktibidad na mabuti ang dapat nilang gawin sa kanilang mga palaisdaan o sa kanilang pangingisda sa laot.