WIKANG FILIPINO SA PANAHON NG INTERNASYONALISASYON AT GLOBALISASYON
Dr. Crisanta Flores
Nagtapos ng Ph.D. in Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman si DR. MA. CRISANTA NELMIDA-FLORES kung saan ginawaran siya bilang Natatanging Gradwadong Mag-aaral noong 2002. Sa UP Diliman din siya nagtapos ng Batsilyer (cum laude) at Masterado sa ilalim ng Programang Interdisiplinari na Philippine Studies. Ang ilan sa mga disiplina na itinuturo at sinasaliksik ni Flores ay ang mga sumusunod: Panitikang Filipino, Kasaysayan ng Pilipinas, Cultural Anthropology, Gender Studies, Comapartive Literature, Ethnic Studies at Popular Culture.
Nagsimulang magturo sa UP Diliman noong 1987 pagkatapos ng gradwasyon, si Flores ay propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa Kolehiyo ng Arte at Literatura at Affiliate Faculty naman ng Tri-College Ph.D. Philippine Studies Program na nakabase sa Asian Center. Nakapaglimbag na siya ng ilang libro at nakapaglathala ng mga akademikong papel na nauukol sa kanyang disiplina. Ilan sa mga publikasyong ito ay umani ng pagkilala mula sa Unibersidad ng Pilipinas System. Tinanggap din niya ang Outstanding Citizen Award sa larangan ng Kultura mula sa pamahalaang lokal ng syudad San Carlos ng Pangasinan, ang kanyang lalawigang sinilangan. Ginawaran din siya ng kanyang High School Alma Mater (Divine Word Academy of Dagupan) bilang Outstanding Alumna. Si Flores ay laging resource person sa telebisyon sa larangan ng Kultura.
UP TALKS
EVERYDAY AT 5 PM
REPLAYS ON THE FOLLOWING DAY
TVUP | University of the Philippines’ Internet TV Network
TVUP (TVUP.ph) is an Internet television (webcast) network operated by the University of the Philippines which delivers free content for information and educational purposes. It will participate in generating open educational resources (OERs) to be made public by producing its own materials and collecting other content from existing sources.
TVUP is a testament to the University of the Philippines’ character as the national university — a teaching, research, public service, and global/regional university — shared freely with all state universities and colleges, private and public higher training institutions, other training institutions, and the general public.
1 Comment