FASTLearn Episode 38 – Ang Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas

More videos
   
5
(2)
Podcast
Downloadables
Transcript

Ano ang sistemang pangwika ng Pilipinas sa kasalukuyan?

Pag-usapan naman natin ngayon ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay hindi maitatanggi na isang multilingual na lipunan. Kung pagbabatayan natin ang Ethnologue, ito ay ang nilalabas na listahan ng mga wika ng Summer Institute of Linguistics; sinasabi na mayroong 184 na wika sa Pilipinas. At 175 sa mga wikang ito ay mga katutubong wika ng ating bansa. 

Napakarami nating wika pero gayun man, makikita pa rin natin dito na mayroon tayong kinikilala na pambansang wika. At ito ay malinaw na nakatakda sa ating Konstitusyon, partikular sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyong 1987.

Ang ating pambansang wika ay pinagyayaman ng mga wika sa Pilipinas at iba pang wika; ito ang sinasaad ng ating Konstitusyon. Ibig sabihin, ang wikang Filipino ay isang mapaglangkap na wika na kumikilala sa pag-iral ng mga wika sa Pilipinas. At kung buhay ang mga wika sa Pilipinas, ay buhay ang wikang Filipino. At kung buhay ang wikang Filipino, ay napapanatili rin ang mga wika sa Pilipinas.

Kadikit nito ay kinikilala naman sa ating Konstitusyon ng 1987, particular sa Artikulo XIV, Seksiyon 7. Ang Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng bansa. Kadikit din nito ang pagkilala sa mga lokal na wika bilang mga pantulong na wika sa rehiyon.

Gayon man, makikita pa rin natin ang isang realidad ang tinatawag na diglosikong sitwasyon sa Pilipinas, kung saan ang wikang Ingles ang nakapangyayari sa iba’t ibang mahahalagang larang o controlling domain ng ating lipunan.

Mahalaga ang gampanin dito ng pamahalaan ng edukasyon sa Pilipinas, upang ganap nating maisakatuparan ang pagkilala sa napakarami nating wika na may pagkilala rin sa ating wikang pambansang Filipino.

How useful was this resource?

Click on a star to rate it!

Average rating 5 / 5. Vote count: 2

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?


Leave a Reply