Kasalukuyang Propesor ng Sosyolohiya sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosoiya at Faculty Affiliate ng Tri-College Philipine Studies Program ng Pamantasan ng Pilipinas Diliman, si Clemen C. Aquino ay nagtapos ng AB Sociology cum laude (1979) at MA Sociology (1984) sa Pamantasan ng Pilipinas Diliman, at ng DPhil in Sociological Studies (1990) sa University of Sussex, United Kingdom. Naglingkod bilang Tagapangulo ng Departamento ng Sosyolohiya (1993-1996 at 2006-2009), naging Chair din siya ng Technical Committee for Sociology ng Commission on Higher Education (2011).
Bilang pagkilala sa kanyang paglilinang ng kuwentong buhay, kuwentong bayan, panlipunang pagbabanghay at araling kabanwahan at sa pagsusulong ng pagkakaugnay ng teorya at metodo na matutunghayan sa kanyang mapanghawang landas na publikasyon sa wikang Filipino, pinagkalooban siya ng Gawad Bagong Kasaysayan ng Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan/Bagong Kasaysayan, Inc. nitong 2016.