What are the gender issues in the education sector?
Sa education sector, kasama siya bilang part ng ating institutions for socialization. So apektado siya ng gender issues din. So patungkol sa education, mayroon pa rin tayong nakikita ang mga stereotypes, pati ang call sa kung ano yung profession na iaassign o ibibigay sa mga estudyante kasi kaugnay siya doon sa kung ano yung inaassign mong gender roles sa kanila, like kapag babae, mas nurturing yung ibinibigay na types of electives or subjects, or sa mas mahabang panahon yung sa profession.
Kapag lalaki, ganun din. Mas technical, mas sa business, mas yung sa leadership yung mga ganun. Kasi aligned pa rin siya doon sa pinag-uusapan nating gender stereotypes. Isa ding napakalaking problema natin sa gender in education ay yun, yung sa mga sexual violence pa rin and like sexual harassment.
Ito yung naririnig natin kahit nung unang panahon pa na, kwatro o kwarto, yung mga ganyan na may mga pagkakataon talaga na napipilitan ang mga ilang estudyante na kumapit sa patalim kasi natatakot sila out of the hierarchical position ng kung sino naman yung naga-ask ng sexual favor.
Marami pang mga iba pa pero sa tingin ko yun yung top 2 pa ngayon pero nakikita pa rin natin na pati yung sa population ng estudyante ng pagpasok nila, in terms of their gender. Natutuwa tayo na tumataas na at mataas yung percentage ng mga kababaihan kahit sa girls na level, sa basic education. Mataas yung population nila kahit yung pag-graduate nila tumataas. Yun nga lang sa mga nakaraang panahon in the recent years, especially during this pandemic, dumadami at patuloy na tumataas yung bilang ng ating teenage pregnancy.
So nakakahamper ito doon sa pag-aaral ng mga estudyante, lalo na ng mga kababaihan. Meron pa rin kasi mga paaralan na kapag nabuntis na isang mag-aaral na babae, hindi na siya pwedeng pumasok.
This goes against the law that we have, Magna Carta of Women. May nakalagay kasi doon na clause na bawal yun, pero marami pa rin hindi sumusunod doon. Sa kabilang banda naman, kahit mataas yung population ng mga kalalakihan na pumapasok, or boys, bumababa yung kanilang completion rate.
So we have to look why there is that trend na bumababa yung completion rate na mga kalalakihan. Is it because they have to go out and stop studying because they are expected to work and contribute to the family’s income? Or dahil ba sa peace and security concerns na napapasama sila sa gang, sa mga kung ano pang mga organizations that make them stop from studying?
I would just like to emphasize one study from Philippine Statistics Authority. Very important tong study na to na ginawa nila very recently.Kasi doon pinag-compare yung completion rate and even the dreams and aspirations of girls and boys.
According to this study, summarize ko na lang, yung mga girls, bago sila makagraduate ng elementary or basic education, matataas yung pangarap nila na they would like to finish college or even masters.
Pero habang tumatanda sila, pag pumunta na sila sa secondary education, the same set of children to o girls na tinatanong, nawawala yung pangarap nilang yon. Nababawasan yung pangarap. Bumababa sa makagraduate lang ng secondary education. O minsan nga makatuntong lang, hindi pa makagraduate.
So we have to look into the root causes of this. Saan ang gagaling yung ganitong pananaw nila? At bakit noong mas bata sila, ganito yung pangarap nila, bakit bumababa yung educational aspiration nila?
Because this has, I think, has a lot to do with the norms that they are expected to perform and even the societal context that we are in. Just like what I mentioned, yung teenage pregnancy. And yun din, yung economic crisis din siguro na. They have to stop studying because they have to help out to their family’s income.