Ngayong buwan na ito ay aalalahanin natin ang ika-52 anibersaryo ng Deklarasyon ng Batas Militar dito sa Pilipinas. Nangyari yan September 23, 1972
Ngayon para lalo nating maunawaan kung ano ang naging impact o epekto nito, lalong lalo na sa sitwasyon ng media sa bansa, meron akong dalawang scenario na ipapaisip sa inyo.
Paano kaya kung pagkagising ninyo isang umaga, kapag kayo ay nagbukas ng telebisyon o radyo, wala kayong naririnig na kahit na anong istasyon na, merong nasa operasyon pa rin.
Or siguro dahil digital natives na kayo karamihan, paano kaya kung meron nga kayong internet service pa rin?
Pero kung pupuntahan niyo yung mga websites ng mga media organizations, lahat sila ay sarado na, naka-down.
Ibig sabihin, magiging limitado na yung ating mapagkukuhaan ng impormasyon.
At yung sitwasyon na iyan ay ganyan na ganyan ang nangyari sa bansa nung idiniklara ang Batas Militar.
Pero kung titignan ninyo, paano nga ba ito ginawa ni Pangulong Marcos?
Napaka mahalagang talakayan natin sa puntong ito, itong Letter of Instruction Number 1 na actually isa itong public document na inyong paring pwedeng ma-access hanggang sa kasalukuyan.
Itong Letter of Instruction Number 1 ang nakasaad yan, binibigan ng Pangulong Marcos ng karapatan ang kanyang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of National Defense, na noon ay pinamumunuan ni Kalihim Juan Ponce Enrile, ng kapangyarihan na kunin o kamkamin ang kontrol ng mga pribadong media organizations sa bansa upang, sabi ng Pangulo, hindi na magamit ang mga ito sa pagpapakalat ng mga propaganda, subersibong mensahe mula sa iba’t ibang pangkat na kontra sa pamahalaan.
At ito, tignan natin isang excerpt mula sa letter of instruction number one.
Ang sabi dito, “You are hereby ordered.to take over and control all privately owned newspapers, magazines, radio, television facilities, and all other media communications.”
Ito ay mensahe ni Pangulong Marcos kay Kalihim Enrile noong 1972.
Ngayon, kung tatanggalin sa mga pribadong may-ari ang operasyon nitong mga media organizations na ito, kanino naman ito ililipat?
Dito papasok yung tinatawag natin na mga cronies o yung mga malalapit na kaalyado ng administrasyon.
Sapagkat sila ang binigyan ng kapangyarihan na i-operate o kontrolin itong mga dating iba naman yung may-ari ng mga media organizations.
So, bigyan natin pansin itong ABS-CBN na pagmamay-ari ng pamilya Lopez.
Nung diniklara ang Batas Militar, ng pagmamay-ari diyan, ang pagkontrol sa ABS-CBN ay napunta kay Roberto Benedicto at hindi na muna ginamit ang ABS-CBN, naging Banahaw Broadcasting Corporation or BBC iyan.
Ganun din itong RBS na naging GMA7, hanggang sa ngayon na GMA pa din. At yung dati, ang nagtatag nyan ay si Uncle Bob Stewart, pero napunta kalaunan nung diniklaring Batas Militar, napunta ang control dyan kay Gozon, kay Duavit, at saka kay Jimenez.
Ngayon sa puntong ito, tinanggalan na nga ngayon ng kalayaan yung media organizations.
Pero tignan nga natin, bigyan natin ng isa pang sipat yung binigay na kadahilanan ni Pangulong Marcos na aniya, ito daw ay ginagamit lamang sa pagpapakalat ng propaganda na kontra sa pamahalaan.
Kasi kung iisipin ninyo, kapagka na-kontrol ng pamahalaan yung pinagagalingan ng impormasyon na nakukuhan ng taong bayan, ibig sabihin ay nakakaroon ng kapangyarihan yung pamahalaan na mahulma yung impormasyon na dumadating sa tao.
Nakakaroon sila ng pakakataon na mas makondisyon ng pag-iisip ng mga tao dahil yung mga negatibong impormasyon ay hindi na dumadating.
Eh hamak ninyo, yung dating mga pribadong organisasyon na malayang nakakapag-operate, ngayon ang control ay napunta na sa mga kaalyado, eh di syempre, gatekeep na yung klase, yung mga uri ng impormasyon.
Wala na yung mga balita tungkol sa mga desapirasidos halimbawa, tungkol sa korapsyon, tungkol sa kung ano-ano pang mga anomalya.
At tanging mga balita lamang tungkol sa mga, siguro beauty contest noon.
Nandiyan yung mga pelikula, mga proyekto ni Imelda Marcos, etc.
Yun lamang, yung pamimigay ng pamahalaan ng Nutribun, yan ang binabalita, mga foreign travels.
Pero yung tunay na nangyayari, kahit nga yung nangyayari sa Manila Film Center, kaya hanggang ngayon marami pa rin kumekuwestyon, nangyari ba talaga yan?
Sapagkat nakontrol ng pamahalaan yung daloy ng impormasyon na dumadating sa tao dahil yan sa Letter of Instruction Number 1.
Pero ibig sabihin ba nito ay talagang wala nang pamamaraan upang mapaabot sa taong bayan ang katatohanan ng mga panahong iyon?
Iyan ay hindi naman nangyari at iyan ay tatalakay natin sa susunod nating episode.