Sa episode na ito ng FASTLearn ay pagpapatuloy natin yung ating naunang talakayan tungkol sa sitwasyon ng media sa Pilipinas noong panahon ng batas militar.
Doon sa ating nakaraang episode, sinabi natin na sa pamamagitan ng Letter of Instruction Number One na nilabas ng noo’y Pangulo Ferdinand Marcos, isang araw matapos niyang pormal na ilagay ang Pilipinas sa ilalim ng batas militar, ay ipinag-utos niya sa Department of National Defense, na noon ay pinamumunuan ni defense secretary Juan Ponce Enrile, ang pagkontrol.
Merong kapangyarihan ang pamahalaan na kontrolin ang mga dating pribadong media organizations sapagkat sabi ni presidente noon, ito daw ay nagagamit lamang sa pagpapakalat ng propaganda mula sa mga pangkat na tutol o kontra nais pabagsakin ang pamahalaan.
Pero ang katotohanan, kaya lang naman iyan ginawa ni Pangulong Marcos ay dahil nais niyang makontrol ang klase ng impormasyon na dumadating sa taong bayan.
Nais niyang sikilin yung mga negatibong balita, lalo na tungkol sa mga patayan, tungkol sa mga anomalya, tungkol sa korapsyon, etc.
At iba’t iba pang mga suliranin ng Pilipinas nung mga panahon na iyan.
Ngayon, sa puntong ito, mahalagang tignan din natin na sa kabila ng pagiging dominante ng crony press noong Batas Militar ay nandiyan din yung mga alternatibong media organizations na bagama’t hindi matagal ang sirkulasyon, kokonti lang ang nakakabasa.
Gayon pa man, itong alternative press o tinatawag din nating mosquito press ay mayroong impact sa pagpaparating pa rin sa taong bayan ng tunay na nangyayari sa Pilipinas noong mga panahong ito.
Bibigyan nating halimbawa diyan, yung mga campus publications gaya ng Philippine Collegian.
Itong Taliba na opisyal na pahayagan ng Communist Party of the Philippines.
At yung practice na tinatawag Xerox Journalism, kung saan yung mga negatibong artikulo na lumalabas mula sa mga dayuhang babasahin, katulad nitong Christian Science Monitor halimbawa, na tumatalakay sa problema ng laganap ng malnutrisyon dito sa Pilipinas.
Dahil nga kontrolado ng mga kaalyado ni Marcos yung media organizations dito, ang negatibong balita, kritikal na reporting, ay hindi natin aasahan talaga mula sa mga lokal na institusyon ng media, kundi mula sa mga dayuhan.
Ngayon, anong ginagawa ng mga maka-oposisyon ng mga panahon na iyan, pinapa-photocopy nila yung mga artikulo upang maski paano ay makarating, may pakalat nila yung balita sa taong bayan. So that’s why it’s called Xerox Journalism.
So itong bahaging ito ng ating kasaysayan ay nakakatuwa.
Mahalagang alalahanin din natin ito kasi ibig sabihin, hindi tayo pumayag na tuluyang makontrol ng administrasyon, ng diktaturya yung information ecosystem sa Pilipinas noong panahong iyon. Meron at meron pa ring mga resistance efforts.
Nanatiling malakas ang kontrol ng administrasyong Marcos sa mga media organization sa Pilipinas hanggang nung unang bahagi ng Dekada 80.
Ito lamang, nagkaroon ng turning point matapos ang naging pagpatay kay Senador Ninoy Aquino noong August 21, 1983 kung saan lumabas na muli, masasabing parang naging matapang na ulit ung mga media organization sa bansa noon.
Halimbawa na diyan itong Mr and Ms Magazine na dapat lifestyle lang yung kino-cover, pero nung ma-assign si Ninoy Aquino, masasabi natin nandiyan yung kanilang special edition kung saan pinapakita nila na milyon-milyon ang pumunta sa funeral procession para sa namayapang senador.
Nandiyan din ang iba pang mga pahayagan na nag-ulat tungkol sa pekeng medalya, war medals na sa napakatagal na panahon ay binabanggit ni Pangulong Marcos na kanyang umanong nakamo dahil sa kanyang pakikipaglaban noong World War II.
At yun na nga, hanggang sa pagdating ng 1986 nang nagkaroon na tayo ng bagong konstitusyon, nagarantiyahan na ang kalayaan sa pamamahayag sa bansa.