FASTLearn Episode 37 – Mga Batayang Kaalaman sa Pagpaplanong Pangwika

More videos
   
5
(2)
Podcast
Downloadables
Transcript

Ano ang mga batayang kaalaman sa pagpaplanong pangwika?

Pag-usapan natin ang pagpaplanong pangwika. Sa mabilisang pagpapakahulugan, ang pagpaplanong pangwika ay pagbibigay solusyon sa mga problema sa wika na maaaring inanak ng lipunan o may epekto sa ating lipunan. Ito ay isang inisyatiba o pagsisikap na maimpluwensyahan ang papel o ang status, estruktura o anyo, at pagkatuto ng o maraming mga wika sa loob ng isang komunidad.

Bahagi ang pagpaplanong pangwika ng kabuuang pagpaplanong panlipunan, kaya hindi maaaring maisantabi ang usapin ng wika sa anumang mga pulisyang ipinapatupad ng pamahalaan.

Kaugnay nito, napakaimportante ng pagpaplanong pangwika, dahil nakapaloob dito ang epektibong komunikasyon sa loob ng isang lipunan. Kung papaanong naipahahatid ang iba’t ibang impormasyon, halimbawa ay tungkol sa ekonomiya, tungkol sa kalikasan, at kalusugan. Kapaloob din dito ang preserbasyon at promosyon ng mga kultura at mga wika sa Pilipinas, lalo pa’t kilala tayo bilang isang multilingual na bansa. At syempre ang pagkakapantay-pantay sa lipunan at ang pagpapaunlad ng ating ekonomiya.

Ang pagpaplanong pangwika ay may mga uri at kapaloob sa mga uri na ito ang mga proseso ng pagplano.

Ang una ay ang tinatawag nating status planning o yung pagbabago sa estado o katayuan ng wika sa isang lipunan.

Ang halimbawa nito ay kung ang isang bansa o ang isang lipunan ay nagtatakda ng kanyang pambansang wika o kaya mga opisyal na wika.

Ang mga nakapaloob na proseso sa ganitong klase ng pagpaplano, ng status planning, ay ang tinatawag na seleksyon o yung pagpili ng wika o ng mga wika o barayti ng isang partikular na wika na ide-develop at kikilalanin bilang pambansa o opisyal na wika. Gayon din ang tinatawag na implementasyon o yung pagpapalaganap ng napiling wika sa pamamagitan ng pagsasabatas nito, paglalagay nito sa edukasyon, at gayon din sa media

Ang ikalawang uri ng pagpaplanong pangwika ay yung tinatawag nating corpus planning. Ito naman ay ang mismong pag-develop ng isang wika sa istruktura at gamit nito.

Ang halimbawa nito ay yung tinatawag nating estandardisasyon ng ortograpiya o yung paraan ng pagsulat at grammar ng napiling wika. Pagbubuo ng mga diksyonaryo sa wikang ito at paglikha ng mga bagong termino na gagamitin sa iba’t ibang mga disiplina.

Ang nakapaloob na proseso dito ay yung tinatawag na kodipikasyon o yung pagtatakda ng unipormado na anyo ng pagsulat, gramatika, at bokabularyo. Kaya napakahalaga ng mga dictionary at saka ng mga libro sa grammar. At pangalawa ay yung tinatawag naman na elaborasyon o yung pagpapalawig sa gampanin o role ng wika sa mga bagong larangan. Halimbawa ay sa agham at teknolohiya.

Ang ikatlong uri ng pagpaplanong pangwika ay yung tinatawag naman na acquisition planning at ito ay partikular na nakasandig sa pagtataguyod ng pagkatuto sa wika.

Ang halimbawa nito ay ung pagtatakda ng wikang panturo, pagbibigay ng pagsasanay sa mga guro at pag-develop ng curriculum para sa wikang ito.

Ang mga nakapaloob na proseso dito ay yung tinatawag din nating implementasyon o ang pagbubuo ng mga programa sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Halimbawa ng Kagawaran ng Edukasyon. At yung pangalawa ay yung pagmamantene o yung maintenance na may kinalaman naman sa pagtitiyak na naipapasa ang wika sa susunod na henerasyon.

How useful was this resource?

Click on a star to rate it!

Average rating 5 / 5. Vote count: 2

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?


Leave a Reply