FASTLearn Episode 44 – Mga Repleksyon sa Sitwasyon ng Media sa Panahon ng Batas Militar

More videos
   
5
(2)
Podcast
Downloadables
Transcript

Ngayon sa nakaraang dalawang episodes natin ng FASTLearn ay binigyan natin ng maikling talakayan ang sitwasyon ng media sa Pilipinas noong panahon ng Batas Militar.

Masasabi natin na isa ito sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng ating bansa sapagkat nawalan tayo ng kalayaan na makakuha ng tunay na impormasyon mula sa mga organisasyon na talagang ating pinagkakatiwalaan.

 

Ngayon, bagaman limampung taon na mahigit ang lumipas mula ng ideklara ang Batas Militar sa ating bansa at masasabi natinna sa ibang aspeto tayo na daw ngayon sa Pilipinas: Freest Press in Asia.

Pero gayun man, sa kabila ng garantiya sa Konstitusyon ng 1987, kailangan pa ring tandaan nating mga mamamayan na dapat tayong manatiling maging mapagmatyag hanggang sa kasalukuyan dahil ang banta laban sa kalayaan ng media, sa pamahayag, ay patuloy na nandiyan.

Gaya nitong mga nagdaang taon, nakita natin ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN nandiyan,

ang patong-patong na kasong idinemanda laban sa Rappler,

at ang patuloy na insidente ng pagpatay sa mga miyembro ng media nitong mga nagdaang taon, kagaya ng broadcaster na si Percy Lapid.

 

Bilang mga mamamayan, tungkulin natin na manatiling maging mapagmatyag dahil ang kalayaan na ito ay hindi na maaaring mawala pa sa atin muli.

Podcast
Downloadables

How useful was this resource?

Click on a star to rate it!

Average rating 5 / 5. Vote count: 2

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?


Leave a Reply